Posted on Leave a comment

Bakit kaya kapag bata pa ay proud magsabi ng mga pangarap nya?

Bakit kaya kapag bata pa ay proud magsabi ng mga pangarap nya?

“Gusto ko ng malaking bahay! Gusto ko ng maraming maraming sasakyan! Gusto ko maging Sundalo! Gusto ko maging Doctor! Gusto ko maging teacher!….(enumerate your dreams before)”

With courage to say every dream in his/her innocent mind.

Pero nung lumaki na nahihiya na magsabi ng pangarap, Corny na daw, nakakatawa na, hindi na naniniwala, sumuko na, kinalimutan na.. 

Mahirap ang buhay? Never naman naging madali.. kahit na iyong pinakamayaman sa mundo never said that life is easy. It is just how you act in you life, how you deal with things, how you see things.

Unfair ang buhay? Not at all.. Pinapaniwalaan mo lang na unfair.. Nagmamadali ka kasi sa resulta and kinukumpara mo kasi sarili mo sa achievement ng iba..hindi naman kayo parehas ng goal kaya wag mo icompare.

Hindi mo kaya? It is all in your mind.. Kaya mo yan sumusuko ka lang agad.. Wala ka lang support team na magpapaalala sayo ng goal mo. Natatakot ka lang sa sasabihin ng iba..

We all know na ang mga bata ay full of energy pa, hyper nga sabi ng iba, and that’s the time they are confident enough na kaya nilang gawin iyong mga  gusto nilang makuha. Wala pa akong nakilalang bata na hindi nagsasabi ng gusto and take note ang tataas ng pangarap(kahit nasa mahirap na pamilya).

Well, magkakatalo lang sa years from bata pa to mature na. Matter of Kung ano iyong nainput sa kanya ng family nya either “alam ko, kaya ko yan” or “tigilan mo na yang kahibangan mo”. Kung ano yung inaaccept nya “hindi ko nga talaga kaya” or “i know kaya ko to walang makakapigil sa akin, gagawa ako ng paraan”. kung naging kuntento na “ok na ako dito, hindi pa mahirap” or “i want to do more kasi i want more kahit mahirap sa dulo naman its all worth it.”

Ikaw? Ano pangarap mo ngayon? Do you still believe na kaya mo?

Regardless of age, if now that you are not believing but wanting to believe it.. Feel free to send us a message, consider us as your support team.

 

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.